Wednesday, May 2, 2012

Top Ten IMBA Tips: Pampatanggal Kaba

Taken from DLSU Frosh Tips


IMBA Tips:

Pampatanggal Kaba Tips Top Ten!

1.) Siguraduhing bago pumasok ng school, MALIGO! (Mga Pre at Mare, kaya kayo kinakabahan makipag-usap, socialize or whatsoever sa La Salle eh binabaliwala niyong maligo. Pampadagdag confidence kapag talagang mabango ka umaga palang.)

2.) Magsipilyo ka, try mo. (Tuwing matapos kang kumain, magsipilyo ka naman. Kung nagyoyosi ka, ewan ko, walang nagyoyosi sa mga admin eh.)

3.) Gumising ng maaga at ‘wag ka ng magkape. (Para namang may epekto ang kape sayo. Kung maaga ka matutulog, maaga kang gigising, iwas stress looking face pa.)

4.) Dahan-dahanin ang pagkakaron ng kaibigan. (Ang daming naloloka at naloloko dito. Guys, hindi isang pitik ang pagkakaroon ng kaibigan, kailangan niyo muna maging comfortable sa paligid niyo at sa mga makakasalamuha niyo sa room. ‘WAG NIYONG MADALIIN.)

5.) Pumasok ka ng school na may confidence. (Paki-alam ba nila  kung san ka magaling, chest out, chin up, sus tignan ko lang kung sikat ka na sa school at sila hindi pa.)

6.) Ang lagi naming sinasabi, BAUNIN NIYO YANG SMILE NIYO! (Umpisahan niyo ang pag-ngiti sa mga kuya and ate guards natin sa bawa’t gate sa LS.)

7.) Dapat lagi kang game sa lahat. (‘Wag nating ilahat, pilosopo niyo eh. Exclude niyo na Drugs pati na rin Sex (oh yung iba magrereact nanaman, OI Indoy at Inday nasa College na kayo, pabata pa ba? pa-inosente pa eh, MAPANLINLANG KA! :)) ANG IBIG SABIHIN NITO, MATUTO KANG MAKISAMA. Pakikisama lang yun lang.)

8.) Okay Nerd ka, Okay Cool ka. (Loko ba kayo? Pantay-pantay lahat ng tao sa La Salle. Kung Nerd ka at hindi mo maiwasan magsalit ng kung anu-ano save it para sa mga taong interested sa topic na yan. Kung Cool ka, wag kang masyadong mahangin, ilugar mo kung saan ka pupwesto para sa mga topic na gusto mo rin pagusapan.In other words, nerd ka man o cool ka, puwede kayong magsama sa school ng matiwasay. Alam ko naman crush niyo ang isa’t-isa kunwari pa kayo. :D)

9.) Tongue Tied? (Magsalita ka ng maayos, ‘wag mong kainin puwede? Hindi nakakabusog yan :D)

10.) Subukan mo din humirit. (Pero sa tamang oras, sa tamang panahon, sa tamang BIRUAN! I-ayos mo baka yung biruan niyo yan pa ang lalong ikakalaglag mo sa block niyo!)

APIR! Cheers! <3 LOVE


Read more: http://dlsufroshtips.tumblr.com/tagged/tips_for_all_ages#ixzz1tg9pbRv1

No comments:

Post a Comment

Hello dear reader! Comments are highly appreciated! Thank you! :)